Kamote Sitcom Episode 11:

Hello guys, how are you today? It’s bed weather na naman and I’m so happy kasi long weekend na! Anyway, my kids are sick and I’m so worried, I hope they can feel better soon para naman makagala na ulit kami. Please include Rhian and Rhaine in your prayers ha. Thank you in advance.

KUMOT

Last week, ulan ng ulan for whole day lalo na sa gabi and since malamig, masarap ang may kayakap pero ibahin nyo asawa ko.

Me – Hon, ang lamig noh. Baka naman gusto mong i-off na yung aircon.
Ian – oo nga eh, sarap matulog. Okay lang yan, naka power saver naman yung aircon eh.
Me – Okay cge, ang sarap cguro ng may kayakap.. Ang lamig eh. (Naglalambing lang ako sa kanya because I’m not feeling well.)
Ian – Malamig? E di mag kumot ka.  (in serious face!)
Me – Ah ganon ha, okay fine. Sa lapag ka matulog ngayon.

In fairness naman sa kanya, kinumutan naman nya ako but still wala akong nakuhang power hug sa kanya. O db, asawa ko na ang pinaka sweet na tao! Nakakainis.

ANG BALDE, BOW!



My husband is not a facebook lover, mas gusto pa nyang mag pokemon or magbasa ng mga updates sa basketball at news, unlike me. I always check my FB account once in a while or sometimes pag hindi busy kaya I read some jokes online na for sure hindi pa nababasa ni Ian.

Our children slept early last Tuesday so we’re having good times together sa room, and since nasa mood akong kulitin sya, ganito ang usapan namin.

Me – Alam mo hon, nung isang araw pauwi ako, sa jeep may isang matandang babae na may dalang balde. Super baho nung balde, halos lahat kami hindi matiis yung amoy nung balde hanggang yung katabi ko nagsalita na at tinanong yung matanda kung anong laman ng balde nya, aba sumagot yung matanda pagalit pa nga eh, sabi ba naman, “Bakit bibili ka ba?” grabe hon, napahiya yung babae. Tapos ayun na nga, di rin nakatiis yung driver kaya nagsalita rin sya sabi nung driver, “Nanay, ano po ba yang dala nyo?” nagulat kaming lahat kasi sumigaw ulit yung matanda, sabi ba naman sa driver, “Bakit bibili ka ba?” So ayun napahiya rin yung driver. E mukhang napikon yung driver kaya ginawa nya, biglang preno sya. Ayun.

Ian – O tapos.
Me – Ayun na nga, biglang preno.
Ian – E anong laman ng balde?
Me – Bakit bibili ka ba?!

Ay grabe ang tawa namin at sa sobrang lakas ng tawa namin, nagising ang mga bata.


Ayun lang mga pare at mare! Sa uulitin! Have a long weekend!
post signature post signature