Kamote Sitcom Episode 8

HEAD LIGHT

One day before Rhian's 1st birthday, my husband and I decided to pick-up the hard copy of pictures at Baby Shower Studio so after that we went to Trinoma para bumili ng mga candies and other giveaways for her party. So eto na, papasok ng parking..

Ian - Hala, parang wala tayong ilaw. Ang dilim eh.
Me - Huh? Meron naman.
Ian - Mukhang sira yung ilaw ng sasakyan natin.. Tsk tsk tsk.
Me - Huh? Meron naman ha, ayan ang lakas oh.
Ian - Hindi eh, wala talaga. Dalhin natin sa Ford si Joaquin next week.

Right after nyang sabihin nyo, tiningnan ko sya.

Me - E kaya naman pala madilim ang tingin mo naka shades ka. Kamote ka talaga!
Ian - Ay oo nga, ano ba yan.

So imagine yung tawa namin after nun. 

PREGGY ISSUE




Nagbayad kami ni Ian sa Meralco last Thursday and since preggy ako with baby #2, pumila ako sa PWD/Senior Lane. Habang nakaupo at naghihintay..

Teller - Ma'am Senior po?
Me - Huh? Buntis ako.

Sa shopwise, since mahaba ang pila sa counter I decided na pumila uli sa PWD/Senior Lane.

Cashier - Ma'am Senior po?
Me - Huh? Ms. Buntis ako. Gusto mo pakita ko sayo ultrasound ko. (Sabay ngiti.)

Nagtataka naman talaga ako, nung dati na hindi ako preggy napagkakamalan akong buntis.. Ngayon naman na buntis ako, hindi naman nila ako tinatanong. Mukha na ba akong senior? Hehe. 

SPERM CELL (Rated SPG)

I still can't believe that I'm pregnant with baby number 2. We were so happy because of another blessing from God. So our conversation goes like this after we found out that I am pregnant.

Me - Ikaw kasi eh, sabi ko sayo control tayo eh. Yan tuloy ate na si Chingching.
Ian - Okay lang yan, blessing from God yan. May kilala nga ako na halos maubos na yung ipon nila para lang magkaanak eh. 
Me - Oo nga blessing from God yan, tska ang swerte mo kasi nabiyayaan ka rin ng napakaraming active sperm cells. Haha
Ian - Oo noh, billions kaya to. Kaya hindi ko na kailangan magpa sperm count tska na prove ko na hindi pala ako baog.
Me - Oo na, ikaw na ang pinagpala.
Ian - Naisip ko nga magdonate ng sperm cell eh.
Me - Ay susme, lakas naman ng loob nito mag donate. 
Ian - Naisip ko nga rin, paglabas ni baby no. 2 sundan agad natin eh para 3 na sila agad tska para mas mapatunayan natin na marami akong sperm cells.
Me - Utang na loob! 

Ako naman, naisip ko naman na sana ginawa ni Lord na after manganak ng babae, lalake naman ang susunod na manganak para malaman nila ang hirap magbuntis. Agree?!

post signature post signature